-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 11 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok sa buong bansa 2 araw na lamang bago ang pagsalubong ng New year.

Base sa inilabas na datos ng Department of Health ngayong araw, ang mga bagong biktima ng paputok ay nasa edad 6 hanggang 72 taong gulang na pinakamatandang biktimang naitala ngayong taon. Karamihan dito ay mga kalalakihan.

Lahat ng insidente ng fireworks-related injuries ay nangyari sa bahay at kalsada.

Nasa 6.55% dito ay gumamit ng mga iligal na paputok habang nasa 6.55% din ang mayroong passive involvement.

Nakapagtala din ang DOH ng isang bagong kaso ng amputation na isang 19 anyos na lalaki mula sa Cagayan valley na gumamit ng iligal na paputok na pla-pla na nagresulta sa pagpaputol ng kaniyang kaliwang kamay habang wala namang naiulat na bagong kaso ng ingestion.

Ayon sa DOH, base sa trend sa kanilang data, malinaw at consistent na nangyayari ang fireworks-related injuries sa mga bahay o karatig na lugar kung saan karamihan sa mga biktima ay mga batang lalaki na nakakapinsala din sa mga passive onlookers.

Kung kayat mas mainam pa rin na gawin ayon sa ahensiya lalo na sa pagsalubong ng bagong taon ay manuod na lamang ng ommunity fireworks displays mula sa ligtas na distansiya

Sa kabuuan sumampa na sa 107 ang mga fireworks-related injuries (FWRI) kung saan 4 sa halos bawat 10 kaso ay mula sa NCR, sinundan ng
Central Luzon (12, 11%), Ilocos Region (12, 11%), Soccsksargen (7, 7%), Cagayan Valley (5, 5%), Bicol Region (5, 5%), Calabarzon (5, 5%), and Western Visayas (5, 5%).

Ang mga paputok na ginamit ay ang Boga, 5-Star, Kwitis, Piccolo, Pla-Pla, Luces, Whistle Bomb at illegal fireworks.