Umakyat na sa lima ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa naganap na pagsabog ng isang pagawaan ng paputok sa Cabuyao. Laguna.
Ito ay matapos na tuluyan nang bawian ng buhay ang isang limang taong gulang na bata na nadamay sa naturang trahedya.
Ayon Cabuyao LGU, sinubukan pang ilipat sa isang pagamutan sa Quezon City ang biktima ngunit hindi na ito nakaligtas pa.
Samantala, bukod dito ay mayroon nang apat na biktimang nasawi rin sa naturang pangyayari ang una nang iniulat ng mga otoridad na kinilalang sina John Ronald Gonzales Deduro, 23 years old; Marvin Lamela Ocom, 27; Ricardo Olic-Olic, 51; at Bebot Reymundodia, 44.
Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan hinggil sa posibleng pinagmulan ng naturang pagsabog lalo na’t lumalabas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na mayroong proper permit ang naturang pagawaan ng mga paputok.