-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Pumalo na sa 35 ang kataong nasawi matapos ang nangyaring pagsabog Kabul, Afghanistan .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Joel Tungal sa bansang Afghanistan, sinabi nito na lone attacker ang suspect sa pagpapasabog sa Kaaj Education Center sa Dasht-e-Barchi area kung saan ang isang college entrance examination ay magaganap.

Saad nito na bago pasukin at pasabugin ng suspect ang paaralan ay una nitong inatake ang naka-duty na security guard.

Ang naturang lugar ay kinabibilangan ng nakararaming Shiite Muslim enclave at tahanan ng minoryang komunidad ng Hazara — isang makasaysayang inaapi na grupo na na-target sa ilan sa mga pinaka-brutal na pag-atake sa Afghanistan sa mga nakaraang taon.

Nagdagdag na ng seguridad ang grupo ng Taliban sa PD13 – ang isa sa mga pinaka-busy o matao na lugar sa Kabul kung saan ay matatagpuan din ang mga opisina ng Taliban government at ilan pang malalaking mga establisyemento.

Sa ngayon ay balik normal na ang operasyon ng iba’t ibang mga kolehiyo at unibersidad sa bansa,subalit nagkakaroon sila ng mga mitigation mission upang maiwasang maulit ang karumal-dumal na pangyayari.