-- Advertisements --
image 24

Umakyat na sa 29 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa pananalasa ng bagyon sa Southern at Midwestern regions ng Estados Unidos.

Ayon sa mga otoridad, tatlo ang naitalang nasawi sa Memphis, Tennessee, siyam sa McNairy County, dalawa mula sa McCormick’s Creek State Park sa Owen County sa Indiana, at 15 naman ang naitalang patay sa iba pang lugar kabilang na ang Arkansas, Illinois, Indiana, Delaware, Mississippi and Alabama.

Dahil dito ay una nang idineklara ni US President Joe Biden ang “major disaster” sa Arkansas.

Sinabi ng pangulo sa isang pahayag na siya at ang kaniyang asawang si Jill Biden ay nananalangin para sa mga taong naapektuhan ng mga bagyo sa katapusan ng linggo at inutusan ang mga nauugnay na opisyal ng pederal na “tumulong sa mga nangangailangan at gayundin sa long-term rebuilding.”

Kung maaalala, una nang nagbabala ang National Storm Prediction Center tungkol sa namumuong masamang panahon sa bahagi ng North at Northeast Texas sa paligid ng dallas at Fort Worth, na may kasamang malaking hail, malakas na pagbugso ng hangin at malakas na isa o dalawang buhawi.