-- Advertisements --

Bumaba ng 95 percent ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na kahit na bumaba ang bilang ng mga namamatay ay nananatili pa rin ang presensya ng nasabing virus.

Babala pa ng WHO na dapat ang mga bansa ay magkaroon ng kaalaman sa non-emergency effects ng COVID-19 kabilang ang post COVID-19 condition o Long Covid.

Inamin naman ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na may ilang bansa pa rin ang nagtatala ng bilang ng COVID-19 kung saan noong nakaraang mga linggo ay aabot sa 14,000 katao na ang nasawi.

Ibinabala din ng opisyal na nagiging mapaminsala ang bagong XBB.1.16 variant na virus.