-- Advertisements --
DOH

Bumaba ang bilang ng mga namatay sa buong bansa dahil sa influenza-like illness, batay sa monitoring ng Department of Health(DOH) sa unang sampung buwan ng 2023 kumpara noong nakalipas na taon.

Maalalang una nang sinabi ng DOH na umabot sa 158,307 cases ang naitala sa buong bansa mula noong Enero hanggang nitong Oktubre, 2023.

Ito ay mas mataas ng 46% kumpara sa 108,065 cases na naitala noong nakalipas na taon sa kaparehong period.

Pero batay sa datos na hawak ng DOH-Epidemiology Bureau, umaabot pa lamang sa 222 ang bilang ng mga namatay sa unang sampung buwan ngayong taon habang noong nakalipas na taon ay umaabot sa 415.

Ang Davao Region naman ang may pinakamataas na bilang ng mga namatay. Kabuuang 69 katao ang nasawi sa naturang rehiyon.

43 naman ang nasawi sa Central Visayas habang 33 ang namatay sa Caraga Region.

Kabilang sa sintomas ng naturang sakit ay ang kawalan ng ganang kumain, sipon, pananakit ng katawan, ubo, madalas na pagbahing, lagnat, atbp.