Bilang ng mga nagka-Diarrhea sa Toril District nasa 212; natalang patay nasa 2
Unread post by bombodavao » Thu Jul 21, 2022 3:35 pm
DAVAO CITY – Patuloy paring nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na apektado sa nangyaring diarrhea outbreak sa Toril District dito sa lungsod ng Davao kung saan napag-alamang umabot na sa 212 na mga indibidwal ang nagka-diarrhea.
Maliban dito, nadagdagan din ang bilang ng namatay sa outbreak na nasa dalawa na.
Kung maalala, unang natalang casualty ang isang sampung taong gulang na bata na binawian ng buhay noong Hulyo 19 habang kahapon lamang ay namatay din ang isang 67 years old na pasyente kung saan dinala pa ito sa ospital dahil sa pagsusuka at LBM.
Kinumpirma ni Dr. Ashley Lopez, hepe ng Davao CHO, na sa pagka-admit ng nasabing pasyente, nagka-hemorrhagic stroke ito rason ng kanyang pagkamtay.
Maliban dito, umabot na sa dalawampung isang mga barangay ang apektado na kinabibilangan ng 18 na mga barangay sa Toril Ditrict habang may tatlong mga barangay ang apektado na labas na sa Toril areas.
Sa kabilang banda, dumating din kahapon dito sa lungsod ng Davao ang tatlong mga eksperto mula sa Epidemiology Bureau sa Department of Health Central Office upang magsilbing third party na tutulong sa imbestigasyon sa diarrhea outbreak sa Toril District at kalapit na mga lugar. (VC – DR. LOPEZ – UNTIL JULY 30). Ang pahayag ni Dr. Ashley Lopez, hepe sa Davao City Health Office.