-- Advertisements --
Patuloy pa rin na nagdaragdag ang bilang ng mga mag-aaral para sa School Year 2023 hanggang 2024.
Base sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2023-2024 nasa 24,324,111 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mag-aaral para sa bagong pagbubukas ng klase.
Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,615,010 sinusundan ito ng Region III (2,719,938) at NCR (2,573,907) habang ang Alternative Learning System (ALS) ay nakapagtala naman ng 208,587 enrollees.