-- Advertisements --
image 317

Ilang araw mula nang nagsimula ang pasukan ng klase para sa SY 2023-2024, patuloy pa ring nakakapagtala ang Department of Education ng mga late enrollees,

Batay sa datus ng kagawaran, umaabot na sa 26.5million ang bilang ng mga mag-aaral sa kabuuan ng bagong school year, ilang daang libong mas mataas kumpara sa inisyal na naitala nitong pagsisimula ng klase noong Agosto-29.

Ayon kay Education Assistant Secretary Francis Bringas, magpapatuloy pa rin silang tatanggap ng mga late enrollees hanggang sa katapusan ng Setyembre, lalo na at maraming mga eskwelahan sa buong bansa ang apektado ng nagdaang bagyo.

Kumpyansa pa rin ang opisyal na maaabot ang hanggang 28.8 million na bilang ng mga enrollees sa buong school year.

Pinakamarami pa rin ang nag-enroll sa Region IV-A na umabot na sa 3.8 milyon; sinundan naman ito ng Region 3 na may 2.9 milyon,; at National Capital Region na may 2.7 milyon.