-- Advertisements --
Umabot na sa 86,745 ang bilang ng mga kabahayan na nasira dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyong Egay, Falcon, at habagat.
Ito ay batay sa pinakahuling naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang halos 87,000 na kabahayan ay umangat ng mahigit apat na libo mula sa dating 82,787 noong Agosto-15 o halos 4 na araw ang nakakaraan.
Naitala ang mga ito sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Bangsamoro at Cordillera.
Batay sa datus, 81,371 dito ay mga partially damaged, habang 5,374 naman ang totally damaged.
Sa kasalukuyan, 30 katao na ang naiulat na namatay kung saan 12 dito ay kumpirmado na.