-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpanyang nagsara dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVI-19) pandemic.
Ito’y matapos umakyat na sa 35 ka kompanya ang nagdeklara ng pagsasara ng kanilang mga negosyo dahil sa humina ang business operations.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Director Myla Carinio umabot sa mahigit 10,000 ka mga kawani ang humingi ng tulong sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang mabigyan ng cash assistance.
Dagdag pa ni Carinio, hindi maaaring maibalik sa normal ang business operations kahit pa umabot na sa bilyon ang pagkalugi dahil sa mas prayoridad ang proteksyon sa kalusugan ng mga mamamayan.