-- Advertisements --

Makalipas ang isang linggo matapos ang pagtama ng dating bagyong Kabayan at shear line sa ilang bahagi ng Pilipinas ay patuloy pang nakakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na naaapektuhan nito.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng naturang konseho kung saan lumalabas na umabot na sa kabuuang 398,857 na mga indibidwal o 105,686 na pamilya ang apektado ng nasabing sama ng panahon.

Mula sa naturang bilang, 1,629 na mga pamilya o 3,256 katao ang kasalukuyan pa rin nananatili sa 16 na mga evacuation centers, habang tatlong pamilya o walong indibidwal namn ang mas piniling manuluyan muna sa kanilang mga kakilala at kaanak.

Samantala, bukod dito nananatili pa ring isa ang kumpirmadong nasaktan nang dahil pa rin sa shear line at dating bagyong Kabayan, habang kasalukuyan pa ring bineberipika ng ahensya ang isang indibidwal na napaulat na nawawala.

Habang sa ngayon ay umabot na rin sa Php14,732,282.02 na halaga ng tulong na ang naipaabot ng pamahalaan para sa mga kababayan nating apektado ng nasabing masamang lagay ng panahon,