-- Advertisements --
image 372

Nasa kabuuang 5, 357, 470 na indibidwal na ang nakumpirmang naapektuhan sa magkakasunod na pananalasa ng Supertyphoon Egay, bagyong Falcon, at habagat.

Batay sa pinakahuling datus ng national Disaster Risk Redcution and Management Council, ito ay katumbas ng 1,368,489 na pamilya.

Ang mga nasabing indibidwal ay mula sa 496 na syudad at mga munisipalidad.

Umabot naman sa 49 na probinsiya mula sa 14 na rehiyon ang naapektuhan.

Sa kasalukuyan, 30 katao ang bilang ng mga naitalang nasawi kung saan 18 rito ay patuloy na sumasailalim sa validadtion.

Umabot naman sa 171 na katao ang naitalang nasugatan kung saan 19 sa kanila ay sumasailalim sa validation.

Patuloy namang pinaghahanap ang 9 na indibidwal na una nang naitalang nawawala.

Samantala, bumaba na rin sa 10,324 ang bilang ng mga indibidwal na nananatili sa loob ngmga evacuation center. Kabuuang 126 na evacuation center naman ang kasalukuyang bukas.