May ginagawa ng hakbang ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para ma-account at mabilang ang mga banyagang terorista na ang nakapasok sa bansa.
Aminado ang militar na may mga presensiya talaga ng mga banyagang terorisya na nakapasok sa bansa pero ilan dito ay napatay sa ikinasang operasyon ng militar gaya na lamang ni Zulkifli Bin Hir alias Marwan na napatay sa operasyon ng PNP Special Action Force (SAF).
Ayon kay Philippine Army chief Lt. Gen. Macairog Alberto ilan sa namonitor na presensiya na mga foreign terrorists ay Malaysian at Indonesian may Morrocan din na nagpasabog sa Lamitan, Basilan.
Paliwanag ni Macairog nagba-vary ang bilang mga ito kaya may measure na silang ginagawa para ma-account lahat ang mga banyagang terorista na nasa bansa.
” It varries ano, kung mga middle eastern we can, meron tayong report diyan ano, but meron tayong, may mga countries like from Southeast Asia like Malaysia, Indonesia, sometimes we could not distinguish kung anong country to ano,” pahayag ni Lt.Gen. Macairog Alberto.
Sa kabilang dako, una ng inihayag ni Wesmincom commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana na may ginagawa na rin silang profiling sa mga foreign terrorists na nasa bansa ngayon.
Ito’y kasunod sa napaulat na may Egyptian couple na “on suicide bombing mission” ang nasa sulu at nanghihikayat ng mga local terrorists na magsagawa suicide bombing.
Una nang kinumpirma ng PNP at AFP na ang isa sa mga suicide bomber na sumalakay sa kampo ng militar sa Indanan,Sulu ay isang Filipino na nakilalang si Norman Lasuca.
Nakilala si Lasuca sa pamamagitan ng kaniyang nanay na si Vilman Alam Lasuca na siyang nag claim sa ulo ng kaniyang anak.