-- Advertisements --

Bumulusok sa 75 percent ang bilang ng mga banyagang estudyante sa bansa na nag-apply o nag-renew ng student visas o permits noong nakaraang taon na epekto ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, aabot lamang sa 1,254 ang mga banyagang nag-apply ng student visas noong nakaraang taon kumpara sa 4,785 noong 2019.

Ang mga nag-renew ng student visa ay bumulusok din ng 31 percent o mula sa dating 10,433 noong 2019 ay naging 7,170 na lang noong nakaraang taon.

Ang student visa ay iniisyu ng BI sa mga banyagang naka-enroll sa kolehiyo at sa mga kolehiyo o paaralang accredited ng bureau para tumanggap ng mga foreign students.

“Restrictions on the entry of foreigners and suspension of  face-to-face classes due to the pandemic naturally caused a decline in the number of alien enrollees in Philippine schools. Many of those who intended to come here and study had no choice but to forego their plans,” ani Morente.

Bumulusok din sa 74 percent ang bilang ng mga foreign pupils sa elementarya at high schools levels na nag-apply ng special study permits (SSP).  

Mayroon lamang umanong 1,962 na mga banyaga ang nag-apply para sa SSP noon nakaraang taon kumpara sa 7,428 noong 2019.

Samantala, sinabi ni BI student visa section chieg Anthony Cabrera na bilang resulta sa pagbaba ng foreing student statistics sinabi ng bureau na bumaba rin ang collections nila sa mga student visa fees.

Dahil dito, ang revenue mula sa mga foreign students noong nakaraang taon ay pumalo lamang sa P151 million o mas mababa ng 28 percent noong 2019 na mayroong P209 million na nakolekta ang BI.

Karamihan din umano sa mga foreign students ay na-repatriate sa kanilang mga bansa dahil sa pangamba ng kanilang mga magulang na mahawaan ang kanilang mga anak ng COVID-19.