-- Advertisements --

Patuloy pang nadagdagan ang bilang ng mga firecrackers-related injuries na naitatala ng Department of Health sa ating bansa ilang araw bago ang pagsalubong sa taong 2024.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, , ngayong araw ay pumalo na sa 88 ang bilang ng mga fireworks-related injuries ang naitatala ng kanilang kagawaran.

Ito ay matapos na makapagtala ang ahensya ng 13 dagdag na mga bagong kaso ng fireworks-related injuries na may edad limang taong gulang hanggang 49 na taong gulang na kinabibilangan naman ng sampung lalaking biktima.

Kasama rin sa mga bagong kaso na ito ay ang insidente ng aksidenteng pagkalunok ng paputok na Watusi ng isang apat na taong gulang na batang lalaki sa lalawigan ng Calabarzon.

Nasa 12 sa mga insidenteng ito ay nangyari sa loob ng kanilang mga tahanan ng mga biktima at gayundin sa mga kalye.

Lima sa mga bagong na-injured ay nang dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok.

Samantala, batay pa rin sa datos ng DOH ay lumalabas na karamihan sa mga naitatala nitong kaso ng fireworks-related injuries ay napaulat sa National Capital Region na nakapagtala ng 31 kaso, na sinundan naman ng 11 kaso sa Central Kuzon, at 10 sa Ilocos.