-- Advertisements --
Binuksan na rin ng Ipo Dam ang isang gate nito dahil sa sunod-sunod na mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Batay sa datus ng Department of Science and Technology, umabot na sa 101.31m ang water level ng Ipo Dam, na lagpas na sa spilling level nito na 101 meters.
Sa kasalukuyan ang dalawampung sentimetro ang lawak ng binuksang gate sa nasabing dam.
Kahapon ay nauna na rin binuksan ng Ambuklao Dam at Binga Dam ang mga flood gates nito, dahil sa umabot na rin sa spilling level ang tubig na naipon sa mga reservoir nito.
Sa kasalukuyan, mahigit sa limang metro na rin ang naidagdag sa lebel ng tubig ng ANgat Dam kung saan, kasalukuyang nasa 188.20 meters na ang antas ng tubig nito.