Iniulat ng Armed Formes of the Philippines na nadagdagan pa ang bilang ng mga barko ng China na namamataan sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. France Margareth Padilla, mula noong Marso 19, aabot sa 8 Chinese Maritime Militia vessels, at 6 na mga barko ng China Coast Guard din ang namataan nakapalibot sa Bajo de Masinloc shoal.
Gayunpaman ay sinabi nman ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commo. Roy Vincent Trinidad na hindi nila batid ang dahilan sa likod nito at ayaw din aniya nilang gumawa ng anumang uri ng ispekulasyon ukol dito.
Kasabay nito ay muli namang tiniyak ni Commo. Trinidad na hindi pa rin maituturing na nakakaalarma ang aksyon na ito ng China sapagkat normal lamang aniya ang mga aktibidad na ito ng nasabing bansa kung ikukumpara sa mga mas malalang mga ginagawa nito nagdaang mga panahon.