-- Advertisements --
image 559

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Goring.

Batay sa datus ng Department of Social Welfare and development, umaabot na sa 6,390 na pamilya ang apektado.

Binubuo ito ng 21,379 na katao mula sa ibat ibang mga rehiyon, na kinabibilangan ng CAR, Region 1, 2, at 3.

Kaugnay nito, umabot na rin sa 838 ang bilang ng mga pamiya na nananatili sa mga evacuation center. binubuo naman ito ng 2,471 na indibidwal. 70 na evacuation center sa buong bansa ang nananatiling bukas.

Umaabot din sa 1,000 na pamilya ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak.

Tiniyak naman ng kagawaran na mabibigyan ang mga apektadong indibidwal ng sapat, kasabay ng nagpapatuloy na epekto ng bagyong Goring, at pinalakas na habagat.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ang naturang kagawaran ng humigit kumulang kalahating milyong halaga ng mga relief goods sa mga biktima ng naturang bagayo.