CAUAYAN CITY-Bumaba ang bilang ng mga young couples o murang edad na nagpapakasal sa nasabing Lungsod bunsod ng CoVID 19 pandemic sa Santiago City
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng Joannah Mercy Gabriel, Population Program Officer ng City Population Office ang kabuoang datos sa first quarter ay nasa 66 na young male applicants ang kanilang naitala.
Ito ay kinabibilangan ng tatlong 18 anyos na kalalakihan hanggang edad 24 na may 16 na bilang.
Mayroon namang 28 young female applicants ang naitala ng City Population Office na kinabibilangan ng sampung 18 anyos hanggang edad 24 na mayroong15 na bilang.
Ayon kay Ginang Gabriel, bumaba ang bilang noong mga buwan na nagsimula ang pandemic at dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.
Sinabi pa ng Population Program Officer na mayroon na lamang 7 young male applicants at 10 young female applicants para sa pagpapakasal ang kanilang naitala sa second quarter ng taon.
Nakatakda silang sumailalim sa pre-marriage orientation at counselling.