-- Advertisements --

Walang anumang finding o conclusion of guilt o liability laban kay dating House Speaker Martin Romualdez. 

Ito ang inihayag ni Atty. Ade Fajardo ,abogado at tagapagsalita ni dating House Speaker Martin Romualdez  batay sa Referral na isinumite ng Independent Commission for Infrastructure sa Office of the Ombudsman kaugnay sa dating speaker.

Sinabi ni Fajardo pinatutunayan lamang ang pagiging patas ng proseso at iginiit ang kapangyarihan ng Ombudsman na magpasya sa usapin ng pananagutan.

Tiwala ang kampo ni Romualdez na magsasagawa ang Ombudsman ng independiyente at masusing pagreview sa lahat ng isinumiteng dokumento at ebidensya. 

Ayon kay Fajardo, tinapos na ng ICI ang mandato nitong mangalap ng impormasyon at ipinasa nito sa Ombudsman ang lahat ng ebidensyang nakalap, kabilang ang sinumpaang salaysay ni Romualdez, kompletong transcript, at buong audio-video recording ng kanyang boluntaryong pagdalo sa pagdinig noong Oktubre 14.