Inanunsiyo ni Sendor Panfilo Lacson na intensiyonal at boluntaryo na niyang binibitawan ang chairmanship ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa kaniyang speech, ipinaliwanag ng senador ang dalawang dahilan ng kaniyang pagbibitiw bilang pinuno ng naturang komite.
Ayon kay Lacson, napapagod na siyang mawalan ng mga kaibigan at magkaroon ng mga bagong kaaway. Bukod dito, naniniwala rin siyang may ibang kasamahan sa Senado na mas kwalipikadong humawak sa posisyon.
Sa kabila nito, tiniyak ng senador na handa pa rin niyang ipagpatuloy ang pamumuno sa komite kung sakaling walang ibang tatanggap sa tungkulin.
Matatandaang ang naturang komite ang kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigayon, in aid of legislation, sa maanomaliyang flood control projects, na nagresulta sa pagkakabunyag ng umano’y kickback scheme at budget insertions na kinasasangkutan ng ilang mga pulitiko, mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga kontraktor.
















