-- Advertisements --

Pinuri ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr ang ginagawang pagbabantay ng mga kapulisan para tuluyang bumaba ang bilang ng mga krimen sa unang bahagi ng Mayo.

Ayon kay Acorda na ang pagbaba ng krimen ay dahil sa pinaigting police operations, intelligence operations, community based program, pinalakas na ugnayan sa mga iba’t-ibang ahensiya at ang mahusay na sistema ng pagrereport at pagmonitor ng mga krimen.

Dagdag pa nito na mayroong pagbaba ng 10.66 percent sa 13,392 na kaso ngayong taon kumpara sa 14,990 na kaso noong 2022 ng mga tinatawag nilang focus crimes gaya ng homicide, physical injury, robbery, theft, rape at carnapping.

Ang physical injury ang siyang mayroong pinakamalaking pagbaba ng 25.68 percent na 1,592 kaso sa 2023 kumpara sa 2,142 na kaso noong 2022.