-- Advertisements --
NDRRMC

Nadagdagan pa ang bilang ng apektadong mga indibidwal o pamilya sa pananalasa ng nagdaang bagyong Amang.

Ayon sa ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 26,000 pamilya, o 96,000 indibidwal ang nananatiling apektado.

Ang nasa 303 pamilya o 1,088 individuals sa mga bayan ng General Luna, Gumaca, at Lopez sa probinsya ng Quezon ay ang bagong mga nadagdag sa listahan ng mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Sa Bicol region, mahigit 12,000 individuals ang nananatili pa rin sa mga evacuation center.

Namahagi na rin ang ahensya ng food packs para sa mga pamilyang apektado sa nasabing rehiyon

Sa sektor naman ng agrikultura, una ng iniulat ng Department of Agriculture noong nakalipas na linggo na lagpas sa P50.84 million ang halagang iniwang pinsala ng bagyo kung saan nasira ang 1,330 ektarya ng mga pananim sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon.

Bilang tugon, namahagi na rin ang DA ng ayuda para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.