-- Advertisements --
Umabot na sa kabuuang 397,384 ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Goring at nagpapatuloy na Habagat.
Ito ay katumbas ng 109,424 families, mula sa 1,415 brgys na apektado.
Ang mga biktima ay naitala mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Western Visayas, Eastern Visayas, MIMAROPA, at CALABARZON.
Sa kasalukuyan, bukas ang 417 na evacuation center na pansamantalang tinitirhan ng 9,561 na pamilya o katumbas ng 35,269 na katao.
Habang nakitira naman sa kanilang mga kaanak at kapamilya ang 5,406 na pamilya na binubuo ng 21,573 katao.
nakapagbigay na rin ang Department of Social Welfare and Development ng kabuuang P15,219,121.22 na halaga ng tulong sa mga naitalang biktima.