-- Advertisements --
Asahan ang malakihang pagtapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), maaring abutin mula P2.70 hanggang P3.10 ang tapyas sa kada litro ng gasolina.
Inaasahan namang aabot ng P2.00 hanggang P2.75 ang kada litro ng diesel, habang ang kerosene ay maaring papalo ng P2.50 hanggang P3.00 kada litro.
Ang naturang pagtaya ay maaari pang magbago, hanggang sa araw ng Lunes kung saan inaasahang isasapubliko na ng mga kumpanya ng langis ang kabuuang halaga ng tapyas-presyo.
Nitong nakalipas na linggo, una nang nagtapyas ng mahigit P2.00 kada litro sa kada litro ng gasolina habang mas mababa sa P1.00 naman sa kerosene.
Sa kabilang banda, ang presyo ng diesel ay umangat ng hangang P.40.