-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang mga produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad nila ang P1.90 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P2.10 ang itinaas sa kada litro ng diesel at P1.80 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.

Paliwanag ng Department of Energy na ang pagsipa ng presyo nito sa world market at mataas na demand sa China ang siyang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.