-- Advertisements --

Nag-iwan ng bakas sa buwan ang bigong Luna-25 mission ng Russia.

Ayon sa NASA, na aabot sa 10 meter ang lawak ng crater sa ibabaw ng buwan ang naiwang bakas ng nasabing space craft.

Ang Luna 25 ay siyang unang moon mission ng Russia matapos ang 47 na taon.

Magugunitang ito ay nabigo sa nasabing misyon ng ilunsad noong Agosto 19 kung saan nawalan ng kontrol at tuluyang bumagsak sa buwan.

Nakakuha ng larawan ang U.S. National Aeronautics and Space Administration’s Lunar Reconnaissance Orbiter (LRO) na bakas na maaring mula sa nasabing Luna 25 mission na iniwan nito sa buwan.