-- Advertisements --

Magandang balita ang sasalubong bukas sa ating mga motorista.

Malakihang oil price rollback kasi ang ipatutupad ng mga oil companies.

Ayon sa mga energy sources, papalo sa P5.80 hanggang P6.30 ang bawas sa kada litro ng diesel habang ang gasolina ay mayroon ding rollback na P5.30 hanggang P5.80.

Malaki rin ang tapyas sa kada litro ng kerosene na P5.80 hanggang P6.30 kada litro.