-- Advertisements --

Asahan na umano ng mga motorista ang mas malakihang oil price rollback sa susunod na linggo.

Kinumpirma ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad ang big-time price rollback sa lahat ng mga produktong petrolyo na ipapatupad ng mga oil companies sa susunod na Martes .

Batay sa inisyal na pagtaya ang oil price rollback ay maaring sa pagitan ng P6.30 hanggang P6.50 kada litro sa krudo.

Habang sa gasolina naman ay maaring ibaba ang presyo sa pagitan ng P5.70 hanggang P5.90 bawat litro.

Kadalasan ang pinal na presyuhan ay inanunsiyo ng mga kompaniya ng langis sa araw ng Lunes ng hapon.

Sinasabing kabilang daw sa mga kadahilan ng malaking bawas presyo ay bunsod ng panibago na namang lockdown na ipinapatupad ng China sa lungsod ng Shanghai dala pa rin ng pagdami na naman ng kaso ng COVID-19.

Ang pagtatas ng interes ng mga bangko sa ilang mga bansa at ang mga report ng nakaambang recession sa ekonomiya na lalong maghihigpit sa sinturon sa paggastos.