-- Advertisements --

Asahan na ng mga motorista na bababa ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Semana Sant

Tinawag ng mga oil companies na bigtime rollback ang mangyayari sa susunod na linggo kung saan aabot sa P1.30 hanggang P1.50 ang price rollback.

Tinatayang bababa nang P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng diesel at gasolina.

Habang P1.30 hanggang P1.40 naman ang bawas-presyo sa kerosene.

Napag-alaman na ito na ang ika-2 sunod na rollback sa produktong petrolyo na itinuturo sa paghihigpit ng quarantine protocols sa ibang bansa bunsod sa pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

-- Advertisement --