-- Advertisements --
6ID

Patay ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos makasagupa ng mga sundalo mula sa Joint Task Force Central at 6th Infantry Division ng Philippine Army ang teroristang Dawlah Islamiyah-Turaife Group.

Ayon kay B/Gen. Eduardo Gubat, acting commander ng 6ID at JTF Central, nagsawa sila ng operasyon sa Brgy Ganta, Datu Salibo, Maguindanao kahapon matapos makatanggap ng ulat ng harassment na ginagawa ng naturang grupo sa komunidad.

Dito nagkaroon ng engkwentro.

Pinapatukan ng mga sundalo ang kuta ng mga kalaban at nagsagwa ng air assault.

Nang umatras ang mga kalaban, narekober ang isang bangkay na kinilalang si Sadam Salandang na miyembro ng BIFF Karialan faction.

Nakuha rin ng militar ang mga matataas na kalibre ng baril, pampsabog at mga bala.

Samantala, dahil sa nangyaring bakbakan, inilikas pansamantala sa mga evacuation center ang mga apektadong residente.

Sila ngayon nasa maayos na kalagayan na at nasa pagkalinga na ng MDRRMO ng Datu Salibo at Shariff Saydona ang naturang mga residente.