-- Advertisements --
Tiniyak ni US President Joe Biden ang matinding pagsasamahan nila ng Japan at South Korea.
Sa naging pagpupulong ni Biden kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida at South Korean President Yoon Suk-yeol, sinabi nito na poprotektahan ng US ang nasabing mga bansa laban sa missile test ng North Korea.
Isinagawa ang pagpupulong ng tatlo sa pagdalo nila sa NATO summit na ginaganap sa Madrid.
Isa sa mga tinalakay ng tatlong lider ay ang pagpapaigitng ng samahan nila para labanan ang ballistic missile program at missiles mula sa North Korea.










