-- Advertisements --
Inikot ni US President Joe Biden ang malaking bahagi ng Florida na sinalanta ng Hurricane Idalia.
Bago ang nasabing pag-iikot ay nakipagpulong muna ito kay Governor Ron Desantis at ilang mga opisyal ng Florida.
Nag-alok ng tulong at pakikiramay ang pangulo sa mga naapektuhan ng nasabing Hurricane Idalia.
Sinabi nito na lahat aniya ng tulong ay kaniyang ibibigay para sa mga mamamayan ng Florida.
Magugunitang bago naglandfall ang Hurricane Idalia ay umabot pa ito ng Category 5.