-- Advertisements --

Tinawag ni US President Joe Biden na ‘terrorist’ group ang Houthi forces ng Yemen.

Pagtitiyak pa nito na hindi palalagpasin ng US kapag ipinagpatuloy ng Houthi ang kanilang maling gawain sa mga barko na dumadaan sa Red Sea.

Ang nasabing pahayag na ito ni Biden ay matapos ang ginawang missile attack ng US at UK sa Yemen sa mga pinagtataguan ng mga Houthi rebels.

Unang ipinagtanggol ng US at UK na ang kanilang ginawang missile attack ay isang uri lamang ng depensa sa patuloy na pag-atake ng Houthi rebels sa mga barko na naglalayag sa Red Sea.