Nakatakdang talakayin ni US President Joe Biden sa Kongreso ang panukalang dagdagan pa ang tulong para sa Ukraine.
Sa gitna ito nang ginagawang pakikipaglaban ng nasabing bansa sa mga pagsalakay ng Russia.
Sa kanyang naging pahayag sa White House ay sinabi ni Biden na hihiling siya sa Kongreso ng karagdang tulong na nagkakahalaga sa $33 billion na pandagdag na sa pondo para sa Ukraine.
Aniya, $20 billion dito ay ilalaan para sa military assistance tulad ng mga armas, at ammunition, habang sa direktang pagtulong sa ekonomiya naman ng pamahalaan ng Ukraine nakalaan ang nasa $8.5 billion na bahagi nito, at sa humanitarian at food security aid naman ang natitirang $3 billion.
Kabilang din sa mungkahi ni Biden ang pagpopondo bilang pagtugon sa mga economic disruptions sa Estados Unidos at sa iba pang lugar na bunga naman ng naging epekto ng nasabing digmaan sa supply ng pagkain at availability ng mga critical components na ginagamit naman sa high-tech manifacturing.
Samantala, bukod dito ay planong pigain din ng US president ang mga Russian oligarchs na nagtatago ng kanilang mga yaman.
May inihain din kasi siyang isa pang panukala na magpapahintulot sa kaniya na samsamin ang mga ari-arian ng mga Russian oligarchs.
Nais din niya na bigyan pa ng mas maraming panahon ang prosekusyon na bumuo ng mga nasabing kaso sa pamamagitan ng pagpapalawig sa statute of limitation sa money laundering sa 10 taon.