-- Advertisements --

Suportado ni US President Joe Biden ang pagsali ng Sweden at Finland na maging miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Sa kaniyang pakikipagpulong kay Swedish Prime Minister Magdalena Andersson and Finnish President Sauli Niinistö, na mahalaga ang nasabing pagsali ng dalawang koponan sa pinakamalakas na defensive alliance sa kasaysayan ng mundo.

Ang kanilang pagsali aniya ay mas lalong mapapatibay ang seguridad ng kanilang kaalyadong bansa.

Magugunitang itinuturing ng Russia na isang banta sa kanilang seguridad ang pagsali ng Sweden at Finland sa NATO.