-- Advertisements --

Tahasang kinuwestyon ni Democratic presidential nominee Joe Biden ang inilabas na job report ng Trump administration na nagpapakita na biglang bumaba ng 13.3% ang unemployment rate sa Estados Unidos.

Ipinagmalaki kasi ni Trump na nadagdagan ang ekonomiya ng Amerika ng 2.5 milyong trabaho noong buwan ng Mayo.

Ngunit ayon kay Biden, tila nakalimutan umano ni President Donald Trump na isama sa kanilang unemployment report ang mga black at Latino Americans na nawalan din ng trabaho.

Batay sa economic data, noong Mayo ay bumaba ng 12.4% ang unemployment rate sa mga White Americans habang 1.2% naman sa Hispanic unemployment. Pumalo naman ng 16.8% ang itinaas sa bilang ng mga Black Americans na nawalan ng trabaho sa parehong buwan at 15% naman ang unemployment rate sa mga Asian.

Hindi rin nakaligtas sa mata ni Biden ang pagiging kumpyansa ng kasalukuyang presidente ng Amerika na napagtagumpayan na ng bansa ang laban kontra COVID-19 sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng sakit.

“The fact that he did so when black unemployment rose, Hispanic unemployment rose, black youth unemployment skyrocketed, tells you everything you need to know about this man and what he really cares about,” saad ni Biden.

“This was not attributable to an act of god, but to a failure of a president.”