-- Advertisements --

Regular na nabibigyan ng update si US President Joe Biden sa suspected Chinese surveillance balloon na umiikot sa buong US.

Ayon kay White House press secretary Karine Jean-Pierre na tuloy-tuloy ang ibinibigay na update ng National Security Team.

Tinanong pa umano ni Biden ang mga military niya kung ano ang magandang gawin sa nasabing surviellance balloon ng China.

Una ng sinabi ni Pentagon press secretary Brig. Gen. Patrick Ryder na ang nasabing suspected surveillance balloon ay maaring imaniobra.

Malinaw aniya na nilabag ito ng airspace ng US.

Una ng itinanggi ng China pag-aari nila ang nasabing balloon at sinabing ito ay mula sa pribadong kumpanya lamang.