-- Advertisements --

Inihayag ni US President Joe Biden ang plano niyang makipag-usap sa kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping.

Isinasaalang-alang niyang alisin ang ilang mga taripa na ipinataw sa Beijing sa hangarin na mapagaan ang inflation ng US.

Ang huling pag-uusap sa pagitan ng dalawang lider ay noong Marso 18, kung saan may babala si Biden laban kay Xi kapag tutulungan nito ang Russia sa pagsalakay nito sa Ukraine.

Magugunitang, ang mga taripa na ipinataw sa ilalim ni dating US President Donald Trump ay nagpataw ng 25 percent duties sa bilyun-bilyong dolyar na halaga ng mga pag-import ng China.

Ang mga parusa ay naglalayong parusahan ang sinasabi ng Estados Unidos na hindi patas na mga gawi sa kalakalan ng China at pagprotekta sa mga US manufacturers.

Ang hakbang ay popular sa pulitika ngunit sa inflation sa 40 taon na pinakamataas sa Estados Unidos, si Biden ay nagsusumikap na maghanap ng mga paraan upang mapawi ang presyur sa presyo at sinabi niya na ang pagtataas ng ilang mga taripa ay isinasaalang-alang.

Nauna nang sinabi ni Treasury Secretary Janet Yellen na ang isang tariff relaxation ay maaaring makatulong sa defuse inflation.