Pinapamadali ni President Joe Biden sa US Congress ang pag-apruba ng mahigit $13-billion bilang suporta sa Ukraine.
Ayon sa White House na ang $11.7-B dito ay para sa security and economic assistance sa Ukraine habang ang dagdag na $2-B ay para tugunan ang naging impact ng paggiyera ng Russia sa domestic energy suplay at pagbawas ng halaga ng enerhiya sa mga susunod araw.
Sinabi naman ni Office of Management and Budget (OMB) director Shalanda Young na sa kabuuan ay mayroong $4.5-B para sa equipment, $2.7-B para sa military, intelligence at ibang defense support.
Mayroon ding $4.5-B para sa direct budget support sa Ukraine at $1.5-B para sa uranium na para magana ang nuclear reactors ng US habang ang $500-milyon ay para sa modernizing ng Strategic-Petroleum Reserve.
Nauna ng mayroong $13-B na military aid ang naibahagi ng US sa Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia noong Pebrero.
Nakapagbigay na rin ang US ng $7-B na grants para sa direct budget support at mahigit $1.5-B para sa humanitarian aid sa mga Ukrainian refugee.