-- Advertisements --

Personal na binisita ni US President Joe Biden ang bayan ng Uvalde sa Texas para makidalamhati sa mga pamilya ng biktima ng pamamaril sa isang paaralan.

Matapos ang pagdalo sa misa at nagtungo ang US President sa itinayong memorial malapit sa Robb Elementary School kung saan nandoon ang pangalan ng 19 mag-aaral at dalawang guro.

Makikipagpulong din ito sa mga kaanak ng mga biktima.

Magugunitang pinasok ng 18-anyos na suspek na si Salvador Ramos ang paaralan at armado ito ng AR-15 na walang habas na pinagbabaril ang mga mag-aaral doon.

Napatay din ang suspek ng mga rumespondeng kapulisan.