-- Advertisements --
Iginagalang ni US Presiden Joe Biden ang pasya ni US House Speaker Nancy Pelosi na hindi interesado pa sa kaniyang posisyon.
Ayon sa White House na nagkausap ang dalawa bago ang isinagawang anunsiyo ni Pelosi sa House of Representative.
Pinasalamatan ng US President si Pelosi dahil sa panunungkulan nito bilang Speaker of the House.
Maaring bumaba ito sa pagiging speaker pero patuloy din aniya ang trabaho nito na ipagtanggol ang demokrasya.
Magugunitang inanunsiyo ni Pelosi na hindi interesado pa na tumakbo na maging speaker at mananatili lamang siyang simpleng mambabatas mula sa San Francisco.
Isinagawa ang anunsiyo matapos na makuha ng Republican party panalo sa nagdaang midterm elections.