-- Advertisements --
Dumating na sa Israel si US President Joe Biden bilang bahagi ng pagbisita sa ilang bahagi ng Middle East.
Ito rin ang kaniyang unang biyahe sa Middle East mula ng maupo sa puwesto.
Nakatakda itong makipagpulong sa pangulo ng Palestine ganun din ang lider ng Saudi Arabia.
Mula kasi ng maupo sa puwesto si Biden ay naglabas ng galit ang Palestine dahil sa wala umanong tulong silang natatangap mula sa US.
Nakatuon ang nasabing biyahe nito sa Saudi Arabai kung saan nagkaroon ng tensiyon dahil sa paglabag sa karapatang pantao.
Magugunitang inakusahan ng US intelligence agency si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman na siyang nasa likod ng pagpaslang sa Turkish journalist Jamal Khashoggi noong 2018.