-- Advertisements --
Nanawagan si US President Joe Biden sa mga mambabatas na magpasa ng batas na maghihigpit sa pagbili ng mga assault rifles.
Kasunod ito sa naganap na mass shooting sa private Christian elementary school sa Nashville na ikinasawi ng tatlong mag-aaral at tatlong guro.
Sinabi ng US President na napapanahon na para maprotektahan ang mga paaralan at kailangan pa ng mas mahigpit na maipasang batas sa pagbili ng mga assault rifles.
Magugunitang pinasok ng 28-anyos na babae na armado ng isang assault rifle at hand gund ang Covenant school at walang habas na namaril.
Nabaril at napatay naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek kung saan inaalam pa nila ang motibo nito sa pamamaril.