-- Advertisements --

Muling nanawagan si US President Joe Biden sa US Congress ng pagpasa ng batas na naghihigpit sa pag-aari ng mga baril.

Kasunod ito sa panibagong mass shooting sa isang mall sa Dallas, Texas kung saan ikinasawi ng walong katao.

Mabilis na inilikas ang mga tao na nasa Allen Premium Outlets matapos ang walang habas na pamamaril ng suspek.

Agad namang napatay ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Gamit ng suspek ang isang AR-15 rifle kaya nanawagan muli ang US President sa kongreso na higpitan ang pagbebenta ng mga assault weapons.