-- Advertisements --

Nananatiling positibo pa rin sa COVID-19 si US President Joe Biden.

Ayon sa doctor nito ng si Kevin O’Connor, ito ang lumabas na resulta ng sumailalim muli sa testing.

Isinagawa ang pagsusuri sa kaniya matapos ang light workout ni Biden.

Dagdag pa nito na patuloy ang paggaling ng US President at wala na rin itong ibang sintomas.

Nakakaranas umano ito ng pag-ubo pero madalang lamang kumpara noong nakaraang mga linggo.

Magugunitang noong nakaraang linggo pa ay naka-isolate pa ang US President matapos na ito ay nagpositibo ng COVID-19.

Nagsimula itong magpositibo noong Hulyo 21 at muling nagpositibo noong Hulyo 30.