-- Advertisements --

Ipinagyabang ni US President Joe Biden na “naibigay na ang hustisya” matapos kumpirmahin sa kaniyang talumpati sa White House na isang drone strike ng US ang pumatay sa pinuno ng Al Qaeda na si Ayman al-Zawahiri sa Afghanistan.

Ayon kay Biden hindi na kailangang matakot ang mga tao sa buong mundo.

Aniya, ang Estados Unidos ay patuloy na nagpapakita ng kanilang determinasyon at ng kanilang kapasidad na ipagtanggol ang mamamayang Amerikano laban sa mga taong naglalayong gumawa sa kanila ng pinsala.

Dahil dito, nagbabanta pa ang mataas na leader ng pinakamakapangyarihang bansa sa mundo na hahanapin ng Amerika ang sinuman na magdudulot ng banta sa kanilang mamamayan gaano man katagal at kahit saan man magtago.

Nauna nang ikinatuwa ni Vice President Kamala Harris ang matagumpay na US military strike laban kay al-Zawahiri.

Ikinagalak din ng Saudi Arabia ang nasabing development.