-- Advertisements --
Kinondina ni US President Joe Biden ang naganap na mass shooting sa Louiseville, Kentucky na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng walong iba pa kasama ang dalawan kapulisan.
Nanawagan rin ito sa mga mambabatas sa US na dapat ay bilisan ang reporma na ginagawa para tuluyang malimitahan ang pagbili ng mga matataas na uri ng baril.
Magugunitang pinagbabaril ng suspek ang mga katao sa isang bangko sa nasabing lugar gamit ang AR-15 rifle.
Napatay naman ng mga otoridad ang suspek matapos na makipagpalitan ng putok ito sa mga rumespondeng kapulisan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek na dating empleyado ng banko.