-- Advertisements --
Naging mabunga ang ginawang pag-uusap nina US President Joe Biden at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Kapwa dumalo kasi ang dalawa sa ginaganap na United Nations General Assembly sa New York City.
Ito rin ang unang pagkakataon na pagkikita ng dalawa mula ng maupo muli sa puwesto si Netanyahu noong nakaraang taon.
Layon ng nasabing pulong ay isulong ni Biden ang pagkakaroon ng magandang ugnayan sa Israel at Saudi Arabia.
Bagamat inamin ni Netanyahau na matatagalan ang nasabing pakikipagkasundo sa Saudi Arabia ay naniniwala ito ng magkakaroon ito ng katuparan.